|
 |
|
Sumasampalataya Ako
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat; na nagkatawang tao, lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao; nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat; at doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo, sa sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
|
|
|
|